Sunday, October 17, 2010

Kahit anong gawin mo sa buhay, kailangan gawin mo ito ng NAKANGITI.

Na-realize ko lang to bigla, noong pinanood ko yung episode ng Playful Kiss ^_^ sobrang nkaka-motivate at nkaka-inspire.


Naisip kong, wala sa talino ang takbo ng buhay mo. Meron nga sa atin ang nagiging mga propesyonal, pero hindi naman matalino diba? Naisip ko kasing, bakit ako magpapakahirap sa isang bagay.. kung hindi naman ako masayang ginagawa yon.

Inaamin ko ding, hindi ako ganon katalino at kagaling. Maraming bagay din ang pinapalya ko. Kagaya nalang sa pag-lalaro ng volleyball. Hindi talaga ko marunong non! Pero, ano naman? Eh magaling naman ako sa Badminton. Bakit ako ngangawa, kung hindi naman tlga para sa akin ang larong yon? Simple lang yan.. maging kuntento ka.. habang masaya ka :)

Gusto ko kasi i-program sa utak ko na, wag kong ipilit ang mga bagay na hindi talaga pupwede. Hindi lang ako magiging masaya! Para san pa diba? Parang sinasayang ko lang yung buhay ko.. tapos malungkot pa ko -__-

No comments:

Post a Comment