Monday, February 14, 2011
gusto ko ng umiyak :'(
Umiiyak ang puso ko. lol corny pero.. :(
Nasasaktan na talaga kosa mga nakikita ko ngayon sa facebook. Ewan ko pero super lakas naman ng effect. Grabe kasi eh. :( Tapos ngayon wala pa kong masandalan. Wala akong masabihan. Walang nagcocomfort. Sigur kaylangan kong isarili ang problema ko habang buhay. Siguro wala akong karapatang magmahal :(
Ang sakit lang talaga :( Akala ko...... :'(
bukas katabi ko nanaman siya. Kaharap ko. Kausap ko. Ngayon sa tingin mo, saan pa ko kukuha ng lakas para ipakita ang nararamdaman ko? Para makausap at makaharap siya..
iloveyou. :(((((
Sunday, February 13, 2011
Princess Hours/GOONG
Sa pagkakatanda ko, 9 o 10 years old palang ata ako noong pinalabas ito sa ABS-CBN dati. I was very addicted to the series. The scenes was still vivid..
Ewan ko kung anong trip ko at pinanuod ko siya ulit after 5 years. Namiss ko lang talaga si Janelle at Gian (Chaegyung at Shin Goon). Nalaman ko kasing may DVD si trixie ng tagalog subbed ng Princess Hours kaya hiniram ko at nag marathon ako. Unfortunately, hindi maganda ang resolution nung dvd that’s why I decided to watch the whole series sa mysoju.com. Perfect.. so here is the story!
• Si Chaegyun kasi, commoner lang siya. Naghihirap na talaga yung family nila, at puro utang na. Then one day, they just knew that her late grandfather planned her to marry the Crown Prince.. naka-plano na pala talaga yun dati pala. Kasi yung lolo ni Chaegyung at ni Shin Goon (Crown Prince) ay mag-BFF so yeah. Ayon, arranged marriage sila. Tho, ayaw talaga nila nung una kasi they hate each other. But as the time goes by, nag grew yung feelings nila sa isa’t-isa. Lalo na nung dumating si Yul Goon, na pinsan naman ni Shin Goon. May gusto si Yul kay Chaegyung.. but they cannot be nga kasi kasal na sila Shin at Chaegyung. Pero the truth is, si yul at Chaegyung talaga ang dpaat mag-asawa ngayon kasi si Yul talaga ang Crown Prince dati. Namatay lang yung tatay niya na dating King kaya nalipat kay Shin Goon yung crown. Ang daming ups and downs talaga sa relationship ni Shin at Chaegyung. lalo na sa mga later episodes. Iyak talaga si Chaegyung kasi mahirap ang pinag-dadaan niya as the Crown Princess. She’s not familiar with the Palace atmosphere. Nawalan siya ng freedom. Pero nandun si Shin Goon lagi para sakanya, at later on nagconfess sila sa isa’t-isa. Ang sweeeet! Tapos yung ending, kaylangan kasi pumunta ni Chaegyung sa ibang bansa for the sake of the royal family. Tapos sinundan siya ni Shin,. Nalaman ko ding pinasa ni Shin ang throne biulang King sa ate niyang si Vanessa, na ngayon ay Queen na. Tapos nagpakasal si Chaegyung at Shin for real na sa Macau. Ang nandun lang, ay si Lady Choi at yung Grandma :) nasusuka bigla si Chaegyung then they realize na.. BUNTIS na siya! :) nakakatuwa din yung mga photos sa dulo.. Tapos sa pinakadulo, si Vanessa - QUEEN na ! •
Ang pangit ng pagkaka-gawa ko sa story line. So eto yung na-realize ko after watching the KD.
- Na ang lahat ng babae sa mundo ay pwedeng maging Cinderella. At kahit magkaiba pa kayo ng antas sa buhay, hindi iyon hadlang para magmahalan kayo. Trust lang at love and importante.
- Nalaman ko ding hindi mo dapat talikuran ang mga problema. Dapat mo tong harapin ng buong tapang. Kasi kapag hindi, talo ka
- Na hindi dapat natin ipilit ang mga bagay na hindi nkakapag-pasaya sa atin. Malungkot kasi yun. Parang isinara mo din yung puso mo sa napakagandang mundo.
- Love conquers all nga. Tadhana ang nagpakilala sa kanilang dalawa. At in the end.. sila din pala ang magkakatuluyan <3>
BEST Korean Drama i’ve ever watched. Wala talagang tatalo dito! Boys Over Flowers? You’re Beautiful? HA! wala yan :p Bakit ba kasi walang part 2 eh :| Tsaka sana sa totoong buhay, si yoon Eun Hye at Kim Ji Hoon nalang ang nagkatuluyan! Hehe. Para totoo na diba?
Sana lang makahanap ako ng Shin ko :)
Tuesday, February 8, 2011
kanina.. kanina.. *spark!*
Kanina kasi, mixed emotions talaga naramdaman ko. Dahil haggardness, pagod, at stress, hindi ko nadin alam kung ano pumapasok sa utak ko. Kagaya nga din ng sinabi ko sa post ko dati, hindi ko alam kung papano kikilos kapag katabi ko na siya. Hindi ko alam kung pano ipapakita yung tunay na ako. Kasi nga siyempre diba hindi ko pwede ipakita sakanya na haggard ako kasi ampanget panget ko naman nun T_T so parang ang lagay, nagmamaskara ko tuwing katabi ko siya..
Ang hirap.. sobra…
Kasi iba din siya kumilos minsan eh. May pagka-moody din. Hindi ko alam kung papano ko magjojoke saknya kasi hindi ko maramdaman kung masaya ba siya o badtrip sa araw na yon. Parang kanina.. ang saya-saya pa niyang kumakanta, tapos pagkabalik sa pwesto namin, parang seryoso nang nakikipag-usap sa akin. Ang weird niya! Ewan ko ba dun..
Tapos eto pa. (KV TO EH!) Kanina kasi sa kumon, magka-lign lang yung chairs namin. Altho may pintuan na nakapagitan samin, at may mga estudyante ding nakapagitan samin, kitang-kita ko pa din siya. Eh napalingon ako sa side niya kasi may nakita akong ka-skulmate ko, tapos nagulat ako kasi napalingon din siya sakin! Tapos akala ko magtatawanan lang kami like what we always do pag nagkikita kami sa kumon, pero hindi.. He stared at me siguro mga 5 seconds din, tapos hindi parin siya tumatawa! Eh parang ang awkward na kasi ee. So kahit walang dahilan, kahit magmuka akong gaga, tumawa nalang ako at lumingon sa ibang side. PSH. Tapos tska ko naisip.. sayang din yun noh? Malay niyo nakikipagtitigan pala talag siya sa akin.. yung tipong titigan lang for awhile. Tapos ako tong si gaga na umiwas agad ng tingin! HEHE.
Hindi niyo alam kung gaano ko dinala hanggang sa paguwi ko yun! Inisip ko padin yun. Kasi parang may iba talaga sa ichura niya nung tumingin siya sa akin eh! Para seryoso talaga. Walang halong biro o joke o nakakatawa. Ano kayang meron dun? :\
Monday, February 7, 2011
Magkaiba nga kami...
Siguro halos lahat ng personalities, magkaiba kami. Anghel siya, sige na, demonyo na ko. Matalino siya, bobo ako. Masipag siya, saksakan ako ng katamaran. Hindi yun nagmumura, ubod ng daming mura ang masasalo mo sakin. Ibang-iba talaga kami :(
Kagaya kanina.. nakita niya bigla yung card ko. Nakalawit kasi sa bag ko. Hindi ko inaasahan, buti naagapan. Hinila ko agad sa kamay niya yon. Nakakahiya. Nakakalungkot. Nakita niya ang mga kahiya-hiyang grades ko :( Wala tuloy akong mukang maharap nun sakanya, dinaan ko nalang sa joke. Kunyare walang nangyari.
Ang hirap din minsan ipakita yung “tunay” mong ugali sa harap niya. yung tipong free na free ka magmura, sumigaw, magalit at magdabog. Ewan. Respetado kasi siya, kaya ang hirap gumawa ng karumal-dumal sa harap niya. Kaylangan ko pa tuloy mag-ingat minsan sa mga kinikilos ko :( Kaylangan ko pa tuloy makiramdam kung lumalagpas na ko.
Nakakapag-bonding siya sa mga kapwa niya “respetado”.. siguro dun siya masaya. Ang hirap tuloy makibagay. Ang hirap tuloy magpakita ng totoong nararamdaman, kasi hindi mo alam kung tatanggapin ka. Nakikita ko din na nahihirapan sin siya sa mga ginagawa niya. Pero dun din siguro siya masaya.
bakit kasi sa dinami-dami ng pwede kong gustuhin, siya pa? ang hirap tuloy :( feeling ko, Langit siya… lupa ako.. :(
Sunday, February 6, 2011
MACARTHUR.
Tungkol ‘to sa apat na magkakaibigang si Voltron, Cyrus, Jim at Noel. Pare-parehong pariwara ang buhay. Magkakabarkada sila na pare-parehong gumagawa ng katarantaduhan para maiahos ang kanya-kanyang pamilya at para magkaroon din ng pera. Si Cyrus, matinik sa pagnanakaw sa kalye. Sinusubo niya ang nananakaw niyang kung anong bagay para hindi mahuli ng Pulis. Si Voltron naman, hindi masyadong natuunan ng pansin yung istorya niya. Nakilala ko lang siya ng lubusan nung namatay na siya (spoiler alert!!) Si Jim, siya ang pinaka-matanda sa apat. May asawa at pamilya na. Hindi niya maiahon sa kahirapan yung pamilya niya kaya gumagawa din ng kagaguhan. At si Noel, siya sa tingin ko ang pinaka-bida sa istoryang ito. Sakanya umikot ang istorya. Saknya nagumpisa, at natapos. Siya sa tingin ko ang pinaka-matino sa apat.
May mga namatay, nasawi at umiyak dahil sa kagagawan ng magkakabarkada. Pero marami akong natutunan sa istorya nila :
- Na anumang mangyari sa buhay natin, babagsak at aahon tayo. Hindi sa lahat ng bagay ay akala natiun ay tama ang ginagawa natin. Kaylangan natin tanggapin kung ano man ang dadating.
- Na ang pagkakaibigan ang pangalawang pinaka-importante sa pamilya. Nandiyan sila palagi para sa isa’t-isa. May namatay man, itinawa nalang nila ang hirap at sakit na nararamdaman nila. Iba ang pagsasama nila, dahil sa hirap man o ginhawa, wala man silang pera, gago at tarantado man sila, sila’t-sila lang din ang magdadamayan pagdating ng panahon.
- Na hindi pa huli ang lahat para itama ang mga katarantaduhang nagawa mo sa buhay mo. Huwag sana tayong mapagod sa kaiintindi sa sarili, dahil ang buhay ng tao. ay napaka-ikli lang para masayang sa pamomroblema sa mga bagay na nanyari na.
Saturday, February 5, 2011
LIFE. (Feb.5 2011)
- Sleepless nights because I dont want to stop watching.
- Mental blocks in school because all I think is Princess Janelle and Prince Gian.
- I AM HOOKED AGAIN.
-