Sunday, February 6, 2011

MACARTHUR.

Nung una, hindi ko aakalain na ganoon pala ang takbo ng istorya. Akala ko based nanaman siya tungkol sa buhay at pagkwekwento ni Bob Ong tungkol sa buhay niya. Dahil ganoon ang nanyari sa ABNKKBSNPLAKO, Bakit baligtad magbasa ang mga Pilipino?!, at Ang Paboritong Libro ni Hudas. Hindi pala. Iba.


Tungkol ‘to sa apat na magkakaibigang si Voltron, Cyrus, Jim at Noel. Pare-parehong pariwara ang buhay. Magkakabarkada sila na pare-parehong gumagawa ng katarantaduhan para maiahos ang kanya-kanyang pamilya at para magkaroon din ng pera. Si Cyrus, matinik sa pagnanakaw sa kalye. Sinusubo niya ang nananakaw niyang kung anong bagay para hindi mahuli ng Pulis. Si Voltron naman, hindi masyadong natuunan ng pansin yung istorya niya. Nakilala ko lang siya ng lubusan nung namatay na siya (spoiler alert!!) Si Jim, siya ang pinaka-matanda sa apat. May asawa at pamilya na. Hindi niya maiahon sa kahirapan yung pamilya niya kaya gumagawa din ng kagaguhan. At si Noel, siya sa tingin ko ang pinaka-bida sa istoryang ito. Sakanya umikot ang istorya. Saknya nagumpisa, at natapos. Siya sa tingin ko ang pinaka-matino sa apat.


May mga namatay, nasawi at umiyak dahil sa kagagawan ng magkakabarkada. Pero marami akong natutunan sa istorya nila :


  • Na anumang mangyari sa buhay natin, babagsak at aahon tayo. Hindi sa lahat ng bagay ay akala natiun ay tama ang ginagawa natin. Kaylangan natin tanggapin kung ano man ang dadating.
  • Na ang pagkakaibigan ang pangalawang pinaka-importante sa pamilya. Nandiyan sila palagi para sa isa’t-isa. May namatay man, itinawa nalang nila ang hirap at sakit na nararamdaman nila. Iba ang pagsasama nila, dahil sa hirap man o ginhawa, wala man silang pera, gago at tarantado man sila, sila’t-sila lang din ang magdadamayan pagdating ng panahon.
  • Na hindi pa huli ang lahat para itama ang mga katarantaduhang nagawa mo sa buhay mo. Huwag sana tayong mapagod sa kaiintindi sa sarili, dahil ang buhay ng tao. ay napaka-ikli lang para masayang sa pamomroblema sa mga bagay na nanyari na.
Bitin pero napaka-ganda :) Ang pangalawang libro ni Bob ong na nagpa-iyak sa akin.

No comments:

Post a Comment