Siguro halos lahat ng personalities, magkaiba kami. Anghel siya, sige na, demonyo na ko. Matalino siya, bobo ako. Masipag siya, saksakan ako ng katamaran. Hindi yun nagmumura, ubod ng daming mura ang masasalo mo sakin. Ibang-iba talaga kami :(
Kagaya kanina.. nakita niya bigla yung card ko. Nakalawit kasi sa bag ko. Hindi ko inaasahan, buti naagapan. Hinila ko agad sa kamay niya yon. Nakakahiya. Nakakalungkot. Nakita niya ang mga kahiya-hiyang grades ko :( Wala tuloy akong mukang maharap nun sakanya, dinaan ko nalang sa joke. Kunyare walang nangyari.
Ang hirap din minsan ipakita yung “tunay” mong ugali sa harap niya. yung tipong free na free ka magmura, sumigaw, magalit at magdabog. Ewan. Respetado kasi siya, kaya ang hirap gumawa ng karumal-dumal sa harap niya. Kaylangan ko pa tuloy mag-ingat minsan sa mga kinikilos ko :( Kaylangan ko pa tuloy makiramdam kung lumalagpas na ko.
Nakakapag-bonding siya sa mga kapwa niya “respetado”.. siguro dun siya masaya. Ang hirap tuloy makibagay. Ang hirap tuloy magpakita ng totoong nararamdaman, kasi hindi mo alam kung tatanggapin ka. Nakikita ko din na nahihirapan sin siya sa mga ginagawa niya. Pero dun din siguro siya masaya.
bakit kasi sa dinami-dami ng pwede kong gustuhin, siya pa? ang hirap tuloy :( feeling ko, Langit siya… lupa ako.. :(
No comments:
Post a Comment